2011
Anong mga pagpapala ang natatanggap natin sa ipinanumbalik na Simbahan?
Hunyo 2011


Natatanging Saksi

Anong mga pagpapala ang natatanggap natin sa ipinanumbalik na Simbahan?

Mula sa “Ang Mensahe ng Panunumbalik,” Liahona, Mayo 2007, 85–88; “Sino ang Iyong Hinahanap?” Liahona, Mayo 2005, 84–87.

Nagbahagi si Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol ng ilang ideya tungkol sa paksang ito.

Larawan
Elder L. Tom Perry

Ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo ay naipanumbalik sa mundo.

Ang ating simbahan ang lugar kung saan matatagpuan ng kalalakihan at kababaihan ang ating Tagapagligtas at ang Kanyang ebanghelyo.

Si Joseph Smith ay propeta ng Diyos at nagpanumbalik ng lahat ng bagay na mahalaga sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos at paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

Ang mga susi ng priesthood ay naipanumbalik sa tao, na may kapangyarihang magbuklod sa lupa at sa kalangitan.

Sa pamamagitan ng ipinanumbalik na Simbahan ng Tagapagligtas natatanggap natin ang lahat ng nakapagliligtas na ordenansang kailangan para makabalik sa Kanya.

Mga paglalarawan ni Adam Koford