2011
Komentaryo
Hulyo 2011


Komentaryo

Isang Tahanan at Pagsasama ng Mag-asawa na Nakasalig sa Tagapagligtas

Ginagamit naming mag-asawa ang Liahona para sa family home evening. Napakasayang karanasan nito. Sa mga mensahe ng Unang Panguluhan, hinahanap namin ang mga salitang nagbibigay-inspirasyon para matulungan kami sa aming mga hamon sa araw-araw. Dahil dito napapalakas namin ang mga saligan ng aming tahanan at pagsasama naming mag-asawa na nakasalig sa Tagapagligtas na si Jesucristo.

Patricia Oliveira de Souza Balena Leal, Brazil

Kaligayahan sa Gitna ng Kalungkutan

Ang mga mensahe sa Liahona ay talagang nagpalakas sa akin, lalo na mula nang pumanaw ang aking ina. Kahit sa gitna ng aking kalungkutan, masaya akong maging bahagi ng dakilang gawaing ito at makamtan ang lahat ng pagpapala ng ebanghelyo sa aking buhay. Alam ko na kung magtitiis ako hanggang wakas makakapiling kong muli ang aking ina.

Dinabel Zelaya, Honduras