2011
Bagong Site na Tutulong sa Kabataan na Magsimulang Gumawa ng Family History
Nobyembre 2011


Bagong Site na Tutulong sa Kabataan na Magsimulang Gumawa ng Family History

Ang bahaging FamilySearch Youth and Family History ng youth.lds.org (lds.org/familyhistoryyouth) ay layuning tulungan ang kabataan na tuklasin ang kanilang family history at paglingkuran ang kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng paghahanap ng kanilang mga tala.

Naglalaman ang site ng resources na tutulong sa kabataan kung paano magsimulang gumawa ng Family History gamit ang FamilySearch. Sa limang simpleng pamamaraan itinuturo sa kabataan kung paano saliksikin ang kanilang family tree, gumawa ng talaan ng pamilya, at maghanda ng mga pangalang dadalhin sa templo. Itinuturo din sa site kung paano magagamit ng mga klase at korum ang family history para paglingkuran ang iba.

Ang bagong bahagi ay makukuha na ngayon sa wikang Ingles, Portuges, at Espanyol. Makikita ang site sa karagdagang mga wika sa susunod na mga buwan.