2012
Komentaryo
Disyembre 2012


Komentaryo

May mga Sagot sa Liahona

Miyembro ako na ipinanganak at lumaki sa Simbahan. Kung minsan hindi ko napahahalagahan ang maraming pagpapala ng ebanghelyo sa buhay ko. At kapag naiisip ko ang mga bagay na ito, alam ko na kahit kailan hindi ko sapat na mapasasalamatan ang aking Ama sa Langit sa lahat ng mayroon ako. Isa sa mga pagpapalang iyon ang napakagandang magasin na Liahona. Hindi ako makapaniwala na natatanggap ko ang eksaktong mga sagot na kailangan ko tuwing binabasa ko ito. Salamat sa lahat ng mensaheng ito.

Ludmila L., edad 13, Argentina

Lumalago ang Aming mga Patotoo

Binago ng Liahona ang buhay ko at ang buhay ng aking pamilya. Napakalaking tulong nito, dahil matututo at magkakaroon ng kaalaman ang nagbabasa nito. Salamat sa mga magasin dahil nagiging matatag kami, at lumalago ang patotoo namin sa Simbahan.

Ana Marcela Echenique Hoyos, Colombia