2014
Mga Kaibigan para kay Eli
Agosto 2014


Para sa Maliliit na Bata

Mga Kaibigan para kay Eli

Larawan
Friend for Eli
Larawan
Sharing Toys

Sinikap ni Eli na maging mabuting kaibigan. Pero ayaw makipaglaro sa kanya ni Will.

“Kung makikipaglaro kayo kay Eli, hindi kayo puwedeng makipaglaro sa akin,” sabi ni Will kina Jake at Danny.

Nakiusap nang mahusay si Eli kay Will, pero ang sabi ni Will, “Hindi. Umalis ka rito.”

Pinilit ni Eli na sumali nang maglaro ng habulan ang iba pang mga batang lalaki. Pero walang gustong humabol kay Eli.

Isang araw nagdala ng ilang laruan si Eli sa paaralan. Pinanood ng isang bagong lipat na batang babae na nagngangalang Emma ang paglalaro niya.

“Gusto mo bang makipaglaro sa akin?” tanong ni Eli.

“Oo,” sabi ni Emma. “Parang masaya ‘yan.”

Nagtanong sina Jake at Danny, “Puwede rin ba kaming sumali?”

“Oo,” sabi ni Eli.

Nalungkot si Will.

“Halika, Will,” sabi ni Eli. “Sali ka rin.”

Paghihiraman ng mga Laruan

Hanapin ang mga laruan sa palaruan. Pagkatapos ay bilangin kung ilang bata ang naghihiraman ng laruan.