2014
Mga Turo para sa Ating Panahon
Nobyembre 2014


Mga Turo para sa Ating Panahon

Mula Oktubre 2014 hanggang Marso 2015, ang mga aralin sa Melchizedek Priesthood at Relief Society tuwing ikaapat na Linggo ay dapat magmula sa isa o mahigit pang mga mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2014. Sa Abril 2015, maaaring piliin ang mga mensahe mula sa kumperensya ng Oktubre 2014 o sa kumperensya ng Abril 2015. Mga stake at district president ang dapat pumili ng mga mensaheng gagamitin sa kanilang lugar, o maaari nilang iatas ang responsibilidad na ito sa mga bishop at branch president.

Ang mga dumadalo sa mga aralin sa ikaapat na Linggo ay hinihikayat na pag-aralan ang mga piniling mensahe bago ang klase. Ang mga mensahe sa kumperensya ay makukuha sa maraming wika sa conference.lds.org.