2016
Ang Ating Pahina
June 2016


Ang Ating Pahina

Larawan
our page

Ang saya ng pakiramdam ko noong binyagan ako. Kinabahan ako noong simula, pero nang lumusong na ako sa tubig, nawala na ang kaba ko. Alam kong walang masamang mangyayari sa akin sa baptismal font. Napakasaya ko dahil nagdesisyon akong magpabinyag. Alam ko na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay totoo at mayroong Diyos na buhay.

Neyliana V., edad 8, Brazil

Nagpunta kami ng pamilya ko sa templo, at alam ko na ang templo ay totoong bahay ni Jesucristo.

Helam A., edad 5, Peru

Ang Paglikha

Dahil sa kabutihan ng Ama sa Langit nilikha Niya ang napakasayang mundong ito.

Nagbigay Siya ng liwanag sa kadiliman at lumikha ng hangin, karagatan, at mga lupain,

Pinasigla pa itong lalo ng napakaraming bagay na nilikha rito at ang mga pabagu-bagong panahon.

Nariyan ang araw, buwan, at mga bituin, at ang mga hayop na makakasama natin.

Pagkatapos ay nilikha ang tao para mamahala sa mundong ito.

Maaari nang magpahinga ang Ama sa Langit.

Sa banal na araw nalalaman natin ang marami sa mga katotohanang ito.

C. Ling-yao, edad 10, Taiwan

Ikinukuwento sa amin ng tatay at nanay ko ang tungkol sa templo. Nagpapakita sila sa amin ng larawan ng templo at nagpapatotoo tungkol sa mga walang hanggang pagpapala nito.

Tresor I., edad 7, Congo