2016
Mga Ideya para sa Family Home Evening
August 2016


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Larawan
mother and children reading scriptures

“Sampung Dahilan Kung Bakit Mahal Ko ang Aklat ni Mormon,” pahina 12: Matapos basahin ng inyong pamilya ang artikulong ito, maaari ninyong ipalista sa bawat miyembro ng pamilya ang mga dahilan kung bakit mahal nila ang Aklat ni Mormon. Isiping ipabahagi sa bawat tao ang kanilang listahan at paboritong talata mula sa Aklat ni Mormon. Maaari ninyong mithiing humanap ng iba pang mga dahilan para mahalin ang Aklat ni Mormon habang sama-sama ninyo itong binabasa nang regular.

“Pagtayo sa Lugar na Dapat Nating Kalagyan,” pahina 66: Maaari ninyong basahin ang karanasan ni Elder Funk sa pagpiling tumayo sa isang banal na lugar at pagkatapos ay gawin ang nakalakip na aktibidad sa pahina 67. Isiping talakayin bilang pamilya kung bakit nagiging banal ang isang lugar at paano makakatayo ang bawat tao sa mga banal na lugar, kahit hindi ito sa loob ng isang simbahan o ng templo. Talakayin ang kahalagahan at papel na ginagampanan ng Espiritu Santo sa pagtulong sa atin na tumayo sa mga banal na lugar.