2017
Paano Ibabahagi ang Ebanghelyo
January 2017


Mga Sagot mula sa mga Lider ng Simbahan

Paano Ibabahagi ang Ebanghelyo

Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2000.

Larawan
Sharing the gospel

Hindi tayo dapat humingi ng paumanhin sa ating mga pinaniniwalaan ni umurong sa mga bagay na alam nating totoo. Gayunpaman maibabahagi natin ito sa diwa ng mapagmahal na pag-unawa—nang matapang at may pagtitiwala, at may mga matang nakatuon sa kaluwalhatian ng Diyos—nang hindi pinipilit ang ating mga tagapakinig o nadaramang bigo tayo sa ating tungkulin kung hindi nila kaagad tinanggap ang ating pinaniniwalaan.

Kapag kasama natin ang Espiritu Santo, makagagawa tayo ng mga simpleng bagay na tutulong na mas maipaunawa ang ebanghelyo sa buhay ng mga miyembro na di-gaanong aktibo sa Simbahan gayundin sa mga hindi natin [kapanalig]. Hindi na kailangan pa ng anumang bagong programa upang magawa ito. Hindi na natin kailangan pa ng hanbuk o tungkulin o pagsasanay. Ang tanging kinakailangan lamang ay ang matutuhan ng mabubuting miyembro ng Simbahan na umasa sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at, sa pamamagitan ng kapangyarihang ito, [tulungan] at [antigin] ang buhay ng mga anak ng ating Ama. Wala nang mas dakilang paglilingkod na maibibigay natin maliban sa pagbabahagi ng ating personal na mga patotoo sa mga nagkukulang ng pang-unawa sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.

Kaya, mga kapatid, handa na ba tayong gumawa ng mahahalagang bagay? Mapagpapasiyahan ba ng bawat isa sa atin ngayon na dagdagan ang ating personal na espirituwal na paghahanda sa pamamagitan ng paghahangad ng patnubay ng Espiritu Santo at pagkatapos, sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan bilang ating kasama, ay higit na pagpalain ang mga anak ng ating Ama ng pang-unawa at kaalaman na totoo ang Simbahan?

Pinatototohanan ko na ang Tagapagligtas ay buhay at pagpapalain Niya ang bawat isa sa atin kung gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang isulong ang dakilang gawaing ito ng Kanyang Simbahan. Nawa’y mapagpasiyahan ng bawat isa sa atin na gumawa ng bagay na higit pa [rito].