2018
Pagbibigay ng Meryenda at mga Ngiti
January 2018


Pagliwanagin ang Iyong Ilaw

Pagbibigay ng Meryenda at mga Ngiti

Larawan
Sharing Snacks and Smiles

Kami sina Sam at Anastasia, at sinisikap naming PALIWANAGIN ANG AMING ILAW sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba!

Paano Kami Makakatulong?

Sa aming tirahan sa Florida, USA, nakikita namin ang maraming tao na walang mga tirahan Nag-isip kami kung paano namin sila matutulungan. Pinakain ni Jesus ang mga taong nagugutom, at lahat ay kailangang kumain! Kaya’t nagpasiya kaming gumawa ng mga emergency snack kits.

Pagbili ng Supplies

Tinulungan kami ng kaibigan naming si Joa sa pagbili ng supplies sa dollar store.

Paggawa ng mga Kit

Naglalagay kami ng mga granola bar, bread stick na may keso, at iba pang masasarap na meryenda sa aming mga kit. Tinikman pa nga ni Sam ang isa!

Ang galing!

Ang pamimigay namin ng mga kit ay nagpapangiti sa amin. Sabi ng ilang tao, “Salamat!” at “Ang galing!”

Marami Pang mga Kit

Ang aming Inay ay nag-post ng impormasyon tungkol sa proyekto online, at nalaman ng young single adult branch ang tungkol dito. Gumawa sila ng 100 pang mga snack kit para sa bahay-kalinga sa aming lugar. Ginamit ng bahay-kalinga ang mga ito para anyayahan ang mga tao na mag-sign up para sa isang programa upang tulungan silang magkaroon ng tirahan. Talagang pinaligaya kami nito!