2019
Rodrigo Quintanilla—Valparaíso, Chile
Hunyo 2019


Mga Larawan ng Pananampalataya

Rodrigo Quintanilla

Valparaíso, Chile

Larawan
Rodrigo with wife and granddaughter

“Napakabait na tao ni Rodrigo, nagtataka ako kung bakit nangyari sa kanya ang aksidenteng ito,” sabi ni Paola, na kasama sa litrato ni Rodrigo at ng apong si Emily. “Pero kalaunan, naunawaan namin kung paano sinagot ng Ama sa Langit ang aming mga dalangin.”

Larawan
Rodrigo working with tools

“Kailangan kong mag-iba ng propesyon, kaya ipinagdasal ko na gabayan ako ng Espiritu,” sabi ni Rodrigo. “Sinagot ako ng Diyos.”

Larawan
Rodrigos wife and granddaughter

“Lagi kong sinasabi kay Rodrigo na hinahangaan ko siya sa kanyang lakas,” sabi ni Paola, na kasama ang kanyang apong si Emily. “Palagay ko hindi ko magagawa na maging kasingtapang niya.”

Larawan
Rodrigo

“Manatili kayo sa ebanghelyo,” sabi ni Rodrigo sa lahat ng nahihirapan dahil sa aksidente o pangyayari na nagpabago ng kanilang buhay. “Mas mahirap ang buhay kung wala ito.”

Larawan
Rodrigo opening his store

Sa paggabay ng Espiritu Santo at sa tulong mula sa kanyang pamilya, sinimulan ni Rodrigo ang isang in-home business.

Mula nang maaksidente sa konstruksyon at hindi na makalakad, hindi na makapagtrabaho si Rodrigo Quintanilla bilang tagahinang—o makagawa ng iba pang bagay. Pero ipinasiya niyang magpatuloy nang may pananampalataya, nagtitiwala sa plano ng Ama sa Langit para sa kanya at sa kanyang pamilya.

Leslie Nilsson, photographer

Larawan
Rodrigo working with tools

Kapag may napakasamang nangyari sa atin, maaaring isa sa dalawang ito ang maging reaksyon natin. Magalit sa Diyos at iwan ang Simbahan, at hindi na magkaroon ng anupamang kaugnayan dito. O maaari tayong lumuhod, magdasal, at patuloy na umunlad.

Hindi ako nawalan ng pananampalataya, ni tinanong sa aking sarili, “Bakit ito nangyari sa akin?” Ayokong maging ganyan ang reaksyon ko.

Kapag may pagsubok na dumarating sa atin, alam ko na maglalaan ang Ama sa Langit ng paraan sa pamamagitan ng pagsubok na iyan. Habang nagpapagaling ako, mahalaga ang paggabay ng Espiritu Santo. Kailangan kong mag-iba ng propesyon, kaya ipinagdasal ko na gabayan ako ng Espiritu. Sinagot ako ng Diyos.

Ang unang taon mula nang maaksidente ako ay ginugol ko sa pagpapagaling at pagpapalakas na muli. Ang pangalawang taon ay ginugol ko sa pagpapasiya ng kung ano ang dapat kong gawin. Kailangan kong kumita kahit man lang para sa mga pangunahing pangangailangan ng aking pamilya—isang bagay na hindi kailangan ng maraming lakas at maaari kong gawin habang nasa wheelchair.

Sa tulong ng aking asawang si Paola, ng aking mga anak, sina Ricardo at Nico, sinimulan ako ang isang in-home business. Nagsimula kami sa pag-aalok ng key-copying service. Unti-unti pa kaming nagdagdag ng iba pang mga serbisyo. Inalam ko ang pasikut-sikot ng bagong trabaho. Nagsanay ako para matuto. Ngayon, makalipas ang siyam na taon, may negosyo na kami na locksmith shop at copy center na may printing at laminating service.

Bago ako maaksidente, akala namin ay mawawala na sa amin ang aming bahay. Gusto na itong ibenta ng mga miyembro ng pamilya namin na may-ari ng bahay, pero ayaw naming lumipat. Mahal namin ang aming ward.

Pagkatapos ng aksidente, sinabi ng lola ko, “Ibibigay ko sa iyo ang parte ko sa bahay.” Ganoon din ang ginawa ng tatay ko. Isa sa mga tiyahin ko at marami sa aking mga kapatid ang nagbigay din ng karapatan sa akin sa parte nila sa bahay. Sabi nila, “Maaari kang mamalagi rito hanggang gusto mo.” Ito ay isang pagpapala mula sa ating Ama sa Langit.

Sa mga nahihirapan dahil sa aksidente o pangyayaring nagpabago ng kanilang buhay, ito ang sasabihin ko, “Maaaring maging mahirap ang mga bagay-bagay, pero manatili kayo sa Simbahan. Manatili kayo sa ebanghelyo. Mas mahirap ang buhay kung wala ito. Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya, at ang Ama sa Langit na ang bahala sa iba.”