2019
Ito ang Kanyang Simbahan
Hulyo 2019


Ito ang Kanyang Simbahan

“Inyong taglayin ang pangalan ni Cristo, na aking pangalan” (3 Nephi 27:5).

Larawan
Its His Church

Ipinanganak ako sa Fiji. Ang aking mga magulang ay hindi miyembro ng Simbahan, pero dumadalo sila sa ibang simbahan.

Nang lumaki na ako, pinakasalan ko ang aking asawa na si Anita. Miyembro siya ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Patuloy niyang inaanyayahan ang mga missionary sa bahay para makilala ako.

Isang araw, sinabi ko sa kanila na maaari silang maghapunan sa amin sa susunod na tatlong gabi. Sinabi ko na Biblia lang ang kailangan nilang gamitin para masagot ang aking mga tanong. Tama ang lahat ng kanilang mga sagot. Sa ikatlong gabi, tinanong nila ako.

“Kung may tindahan ka, ano ang ipapangalan mo roon?”

“Papangalanan ko iyong Tindahan ng Pamilya Wakolo dahil aking tindahan iyon,” sagot ko.

“Kanino dapat ipangalan ang simbahan?” tanong nila.

Magandang tanong iyon. At alam ko ang sagot sa aking puso’t kaluluwa. Ang tunay na Simbahan ay ipapangalan kay Jesus dahil Kanyang Simbahan iyon. At Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay ipinangalan sa Kanya!

May isa pa akong tanong: “Kailan ako puwedeng binyagan?” Makalipas ang isang linggo, nabinyagan ako.

Nang mabinyagan ako, tinaglay ko sa aking sarili ang pangalan ni Jesucristo. Nangangahulugan iyon na naging miyembro ako ng Kanyang Simbahan at nangako akong sundin Siya. Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya araw-araw para matularan ang Kanyang pamumuhay. Alam ko na ito ang tunay na Simbahan ni Jesucristo.