2020
Maaari Akong Manalangin Tulad ni Enos
Marso 2020


Maaari Akong Manalangin Tulad ni Enos

Larawan
I Can Pray Like Enos

Nanalangin si Enos nang buong araw at narinig niya ang tinig ng Diyos! Basahin ang tungkol dito sa Enos 1 sa Aklat ni Mormon o sa kuwentong “Nanalangin si Enos” sa pahina K20.

Kapag Nananalangin Ka:

  • Magsimula sa “Mahal kong Ama sa Langit …”

  • Magpasalamat sa Kanya para sa mga pagpapala.

  • Sabihin sa Kanya kung ano ang nangyari sa iyo buong araw o kung ano ang iyong nararamdaman.

  • Humingi sa Kanya ng mga kinakailangan mo o manalangin para sa mga taong nangangailangan ng tulong.

  • Tapusin ang panalangin sa pagsasabi ng “Sa pangalan ni Jesucristo, amen.”

  • Maglaan ng oras para makinig sa Espiritu Santo.

Maaaring hindi mo marinig ang tinig ng Diyos sa paraang naranasan ni Enos, pero maaari kang makatanggap ng mga sagot sa iba pang paraan, tulad ng sa pamamagitan ng mga kaisipan o damdamin. Kung minsan, matagal dumating ang mga sagot. Pero palagi kang mahal ng Diyos!

Idikit ang mga larawang ito sa isang maliit na kahon o sa isang piraso ng karton para makagawa ng isang tagpo ng kuwento tungkol kay Enos.

Mga paglalarawan ni Adam Koford