2020
Mga Kabataan
Abril 2020


Mga Kabataan

Larawan
Photo of Mikayla J from Fiji

Larawang kuha ni Leslie Nilsson

Naturuan ako at nabinyagan sa Simbahan. Isa sa mga bagay na unang nakaakit sa akin ay ang mga aktibidad ng mga kabataan. Hanggang ngayon gustung-gusto kong makasama ang mga kaibigan ko sa Simbahan dahil mabuti at nakapagpapasigla ang kasiyahang naibibigay nila. Paborito kong puntahan ang Suva Fiji Temple na kasama nila bawat linggo.

Sa Fiji, malakas ang impluwensya ng mga barkada. Ang mga tindahan ay hindi palaging humihingi ng identification card sa mga bumibili ng alak, sigarilyo, at iba pang katulad nito. Nakakabili nito ang mga bata sa lahat ng oras. Mahirap kung minsan na piliin ang tama.

Isa sa mga bagay na nagpapanatiling matatag sa akin ay ang mga nakababata kong kapatid. Ako ang panganay, kaya palagi ko silang naiisip tuwing natutukso akong gumawa ng mali. Ayaw ko silang gumawa ng anumang masasamang desisyon dahil nakita nilang una akong gumawa ng isang bagay. Bago namatay ang aking ina, sinabi niya sa akin na ipangako ko na aalagaan ang aking mga kapatid at palagi silang gabayan.

Sa ngayon ako pa lang ang miyembro ng Simbahan sa aming magkakapatid. Pero ipinagdarasal ko sila araw-araw. Pinasasalamatan ko ang Ama sa Langit sa pagbibigay sa kanila ng isa na namang panibagong araw, at ipinagdarasal ko na makatanggap sila ng kaalaman tungkol sa Kanyang ebanghelyo. Sila ang nagpapatatag sa akin.

Mikayla J., edad 17, Fiji