2021
Paano “Nagsalita” si Emily Richards
Hunyo 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Paano “Nagsalita” si Emily Richards

Doktrina at mga Tipan 60–62

Mayo 31–Hunyo 6

Larawan
article on Emily Richards

Umakyat si Emily Richards sa makitid na pulpito sa pulong ng National Woman Suffrage Association sa Washington, D.C., na kabisera ng U.S. Alam niya na isa ito sa mga pinakamahalagang karanasan ng kanyang buhay. Iyon ay noong taong 1889, at matinding pinagtatalunan ang karapatang bumoto ng kababaihan sa Utah at ang paksa na pag-aasawa nang higit sa isa. Bagama’t kinakabahan si Emily, handa siyang magsalita para sa kanyang tahanan, kasarian, at relihiyon.

Sinabi ng isang source, “Ipinag-alala na baka hindi marinig ang tinig ng binibini mula sa Utah sa buong bulwagan—ang ibang mga tagapagsalita ay nabigo sa bagay na iyan—ngunit sa pagkamangha at katuwaan ng lahat, ang malinaw niyang tinig ay umabot hanggang sa pinakamalayong bahagi ng gusali, at ang kanyang mensahe ay talagang mahusay.”1

Bagama’t walang naitala tungkol sa sinabi ni Emily nang araw na iyon, iniulat ng isang mamamahayag na nagsalita siya nang mga kalahating oras. Nagbigay siya ng “maayos at mahusay na paglalahad” na naghahayag ng mga katotohanan at ideyang “sumupil sa di-matwid na opinyon.” Sinabi pa ng mamamahayag na ang mga salita ni Emily ay “mahinahon” na nagpalambot ng maraming puso noong araw na iyon sa teritoryo ng Utah.2

Gayunman, si Emily ay hindi mahusay na tagapagsalita noon. Naalala niya kung paano siya pinayuhan ni Eliza R. Snow, na noon ay Relief Society General President: “Sa unang pagkakataon na hinilingan ako ni [Sister Snow] na magsalita sa pulong, hindi ko nagawa, at sinabi niya, ‘Hindi bale, pero kapag hinilingan kang magsalita muli, subukan mo at magsalita ka.’”3

Isinapuso ni Emily ang payong ito at tiniyak na handa siyang magsalita kapag kailangan siya. Tulad ni Emily Richards, dapat tayong handa sa lahat ng pagkakataon na “[buksan] ang [ating] mga bibig” (Doktrina at mga Tipan 60:2) at ipahayag ang salita.

Mga Tala

  1. Orson F. Whitney, History of Utah (1904), 4:605.

  2. Sa Orson F. Whitney, History of Utah, 4:605.

  3. Sa At the Pulpit: 185 Years of Discourses by Latter-day Saint Women, inedit nina Jennifer Reeder at Kate Holbrook (2017), xxii–xxiii.