Liahona
Pag-alaala kay Pangulong M. Russell Ballard
Sa Alaala: Pangulong M. Russell Ballard


“Pag-alaala kay Pangulong M. Russell Ballard,” Liahona, Ene. 2024.

Pag-alaala kay Pangulong M. Russell Ballard

Larawan
artikulo tungkol kay Pangulong Ballard para sa mga bata

Siya ay isinilang noong ika-8 ng Oktubre 1928, sa Utah, USA.

Gustung-gusto niyang makipaglaro sa kanyang collie dog na si Scotty. Sumasabay pa nga sa kanya si Scotty na maglakad papasok at pauwi mula sa paaralan!

Noong bata pa siya, tumulong siya sa pagwawalis ng mga sahig sa car dealership ng kanyang ama. Noong nasa hustong gulang na siya, tumulong siyang patakbuhin ang kumpanya.

Sa kolehiyo, ang palayaw niya ay “ang bishop” dahil alam ng mga kaibigan niya na mananatili siyang tapat sa kanyang mga pamantayan.

Noong 1948 nagmisyon siya sa England. Naglingkod siya bilang counselor sa mission presidency.

Nakilala niya ang kanyang asawang si Barbara Bowen sa isang sayawan. Ikinasal sila sa Salt Lake Temple. Sila ay may 7 anak at maraming apo at apo-sa-tuhod.

Naglingkod siya bilang mission president sa Canada kasama ang kanyang pamilya.

Noong 1985 ay tinawag siya sa Korum ng Labindalawang Apostol.

Gustung-gusto niya ang pagiging misyonero. Pinatotohanan niya na ang gawaing misyonero ay naghahatid ng mga pagpapala kapwa sa mga misyonero at sa mga taong pinaglilingkuran nila.