Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hunyo 17–23. Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19: ‘Naganap Na’


“Hunyo 17–23. Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19: ‘Naganap Na’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Hunyo 17–23. Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

Larawan
Si Cristo sa harap ni Pilato

Ecce Homo, ni Antonio Ciseri

Hunyo 17–23

Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19

“Naganap Na”

Simulan ang iyong paghahanda sa pagbabasa ng Mateo 27; Marcos 15; Lucas 23; at Juan 19. Mapanalanging hangarin na maunawaan ang mga pangangailangan ng mga bata.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
sharing icon

Mag-anyayang Magbahagi

Ipahawak sa bawat bata ang larawan mula sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya. Habang hawak ang larawan, ang bawat bata ay makapagbabahagi ng isang bagay na alam niya tungkol sa paraan ng pagkamatay ni Jesus.

Larawan
teaching icon

Ituro ang Doktrina

Mga Batang Musmos

Mateo 27:11–66; Lucas 23; Juan 19

Dahil namatay si Jesus para sa akin, ako ay maaaring mabuhay na mag-uli.

Maaaring mabalisa ang mga batang musmos sa mga salaysay tungkol sa Pagpapako kay Jesus sa krus. Ang “Kabanata 52: Ang mga Paglilitis kay Jesus” at “Kabanata 53: Ipinako si Jesus sa Krus,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 133–38, ay isang magandang halimbawa kung paano mo maaaring maisalaysay ang kuwentong ito sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipakita ang larawan sa outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya habang ikinukuwento mo ang tungkol sa paglilitis, Pagpapako sa Krus, at paglilibing kay Jesus (tingnan din sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 57 at 58). Ipabahagi sa mga bata ang mga nalalaman nila tungkol sa mga pangyayaring ito. Bigyang-diin na sa ikatlong araw, si Jesus ay nabuhay na mag-uli, na ibig sabihin ay muli Siyang nabuhay.

  • Sabihin sa mga bata na tukuyin ang ilang bagay na ginagawa ng mga magulang nila para sa kanila na hindi nila magagawa para sa kanilang sarili. Ipakita ang isang larawan ng Tagapagligtas. Ipaliwanag na dahil kay Jesus, tayo ay maaaring mabuhay na mag-uli—isang bagay na hindi natin kayang gawin sa ating sarili.

  • Ipakita ang larawan ng isang taong kakilala mo na namatay na. Magpatotoo na dahil kay Jesus, ang taong iyon ay mabubuhay muli.

Larawan
paglilibing kay Cristo

The Burial, ni Carl Heinrich Bloch

Mateo 27:26–37; Lucas 23:34

Mapapatawad ko ang iba tulad ng ginawa ni Jesus.

Paano mo matutulungan ang mga bata na maunawaan kung paano patatawarin ang mga hindi mabubuti, tulad ng ginawa ni Jesus?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ilarawan kung gaano kasama ang mga sundalo kay Jesus (tingnan sa Mateo 27:26–37), at pagkatapos ay basahin ang Lucas 23:34. Ipaliwanag na kapag pinatawad natin ang iba, inaalis natin ang ating mga sama-ng-loob sa kanila at nagpapakita ng pagmamahal.

  • Magbahagi ng mga sitwasyon kung saan ang isang tao ay nagsasalita o gumagawa ng isang bagay na hindi mabuti. Sabihin sa mga bata na ipakita kung paano nila patatawarin ang taong iyon.

  • Isulat sa pisara ang mga salita o parirala mula sa “Ama, Ako’y Tulungan,” Aklat ng mga Awit Pambata, 52. Ipakanta sa mga bata nang ilang ulit ang awitin, na binubura ang ilang salita sa bawat pagkanta hanggang sa matutuhan nila ang buong awitin. Ayon sa mga awiting ito, sino ang dapat nating patawarin? Sino ang makakatulong sa atin kapag mahirap gawin ang pagpapatawad?

  • Saliksikin ang huling isyu ng Friend o Liahona para maghanap ng kuwento tungkol sa isang batang nagpatawad ng isang tao. Ibahagi ang kuwentong ito sa mga bata.

Lucas 23:32–33, 39–43

Dahil si Jesus ay nagdusa at namatay para sa akin, ako ay maaaring magsisi at mapatawad.

Bagama’t ang mga batang wala pang walong taong gulang ay wala pang pananagutan, mahalaga para sa kanila na magsimula nang pag-aralan ngayon kung paano pagsisihan ang mga maling pasiyang ginagawa nila.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ibuod ang Lucas 23:32–33, 39–43, at ituro ang dalawang magnanakaw sa larawan 57 sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo. Ipaliwanag na noong pinagtawanan ng unang magnanakaw ni Jesus, inamin naman ng pangalawang magnanakaw na siya ay nagkamali—nagsisimula na siyang magsisi.

  • Basahin ang Doktrina at mga Tipan 19:16 sa mga bata. Bakit nagdusa si Jesus para sa atin?

  • Ipaliwanag na matutulungan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na itama ang ating mga kasalanan at pagkakamali at makatanggap ng kapatawaran.

  • Magpalagay sa mga bata ng mga marka ng chalk o yeso sa pisara na kakatawan sa mga maling pagpili. Pagkatapos ay ipabura sa kanila ang pisara para ilarawan ang pagsisisi. Ipakita ang isang larawan ng Tagapagligtas, at magpatotoo na maaari tayong magsisi dahil sa Kanya.

Larawan
teaching icon

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mateo 27:11–66; Lucas 23; Juan 19

Si Jesus ay namatay para sa akin dahil mahal Niya ako.

Bakit ka nagpapasalamat na namatay si Jesucristo para sa iyo? Isipin kung paano mo matutulungan ang mga bata na maunawaan ang kahalagahan ng sakripisyo ng Tagapagligtas para sa kanila.

Mga Posibleng Aktibidad

Mateo 27:26–37; Lucas 23:34

Mapapatawad ko ang iba tulad ng ginawa ni Jesus.

Kung minsan ay mahirap patawarin ang iba. Ang mga batang tinuturuan mo ay pagpapalain kapag sila ay sumunod sa halimbawa ng Tagapagligtas at nagpatawad sa lahat.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Sabihin sa mga bata na magsalitan sa pagbabasa ng tungkol sa mga kawal na masama kay Jesus sa Mateo 27:26–37 at pagpapatawad ni Jesus sa kanila sa Lucas 23:34. Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ni Jesus? 

  • Isulat sa pisara ang Ano ang maaari mong gawin para patawarin ang isang taong hindi mabait sa iyo? Isa-isang pasulatin ng kanilang mga ideya sa pisara ang mga bata, tulad ng Ipagdasal na magkaroon ng mabuting nadarama para sa taong ito o Isipin ang isang mabuting katangian ng taong ito.

  • Sabihin sa mga bata na gumuhit ng mga sitwasyon kung saan hindi mabait ang isang tao at kung paano nila patatawarin ang taong ito. Ipabahagi sa kanila sa klase ang kanilang mga iginuhit.

Lucas 23:32–33, 39–43

Dahil si Jesus ay nagdusa at namatay para sa akin, ako ay maaaring magsisi at mapatawad.

Ang lesson na ito ay isang magandang pagkakataon para magpatotoo na dahil kay Jesucristo, maaari nating pagsisihan ang ating mga kasalanan at mapatawad.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ipabasa sa isang bata ang Lucas 23:32–33, 39–43. Ipaliwanag na ang dalawang taong kasama ni Jesus na nakapako sa krus ay mga magnanakaw. Paano ipinakita ng isa sa mga magnanakaw na siya ay nagsisimula nang magsisi?

  • Isulat ang sumusunod na pangungusap sa pisara, na ginagawang patlang ang mga nakahilig na salita: “Ako ay maaaring mapatawad kapag ako ay nagsisi dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.” Bigyan ang mga bata ng mga clue para tulungan silang punan ang mga patlang.

  • Ipahawak sa isang bata ang isang supot, at punan ito ng maliliit na bato habang nagsasabi ang ibang mga bata ng mga maling pasiya na maaaring magawa ng isang tao. Tulungan ang mga bata na ihambing ang supot sa espirituwal na pasanin na dinadala natin kapag nagkakasala tayo. Bakit katulad ng pag-aalis ng bato sa supot ang pagsisisi?

  • Gamitin ang artikulong “Maaari Kang Magsisi at Magpatawad” (Liahona, Ago. 2015, 75) para ituro sa mga bata kung paano magsisi.

Larawan
learning icon

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Hikayatin ang mga bata na mag-isip ng isang taong kailangan nilang patawarin at magpasiya na gawin ang isang bagay para ipakita sa taong iyon na siya ay pinatawad na nila.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Matutong kilalanin ang mga paghahayag. Ang paghahayag ay kadalasang dumarating nang “taludtod sa taludtod” (2 Nephi 28:30), hindi nang minsanan. Sa iyong pagdarasal at pagninilay sa mga banal na kasulatan at sa outline na ito, makikita mong ang mga ideya at impresyon ay maaaring dumating anumang oras at kahit saan—habang papunta ka sa trabaho, gumagawa ng mga gawaing-bahay, o nakikipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan.

Larawan
pahina ng aktibidad: mabubuhay akong mag-uli