Institute
Pagtugon sa mga Pangangailangan ng mga Estudyanteng may Kapansanan


Pagtugon sa mga Pangangailangan ng mga Estudyanteng may Kapansanan

Larawan
mga estudyante sa klase

Ang layunin ng mga pag-aangkop na ginagawa sa Pagbutihin ang Learning Experience (PLE) ay upang tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante na may partikular na pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan na makibahagi sa mga PLE na tulad ng iba pang mga estudyante. Dapat gumawa ng mga akmang pag-aangkop ang mga titser upang matugunan ang mga partikular na pangangailangan, kapansanan, at problema sa kalusugan ng kanilang mga estudyante. Narito ang mga gabay na dapat pag-isipan habang tinutugunan ang pangangailangan ng iyong mga estudyante:

  • Tukuyin ang mga estudyante na may partikular na pangangailangan o kapansanan. Kausapin nang sarilinan ang bawat estudyante upang matukoy ang kanyang partikular na (mga) pangangailangan. Makinig na mabuti, at maging positibo.

  • Makipagtulungan sa mga magulang at mga lider ng Simbahan para makagawa ng plano na angkop na tutugon sa partikular na (mga) pangangailangan ng estudyante. Bagaman maaaring ipauwi sa estudyante ang PLE, dapat alam mo ang pasaning ibibigay nito sa mga magulang. Gawin ang lahat sa abot ng iyong makakaya para malaman ang pinakaepektibong opsiyon para sa mga estudyante at magulang.

  • Ipatupad ang mga pagtugon sa pangangailangan. Ang pagtugon sa indibiduwal na pangangailangan ay dapat panatilihing kumpidensyal. Imposibleng mailista ang lahat ng posibleng gagawing pagtugon; gayunman, narito ang mga halimbawa ng posibleng pagtugon sa pangangailangan:

    • Presentasyon: Bigyan ang estudyante ng audio version ng PLE, ibigay ang mga tagubilin at PLE nang binibigkas, o bigyan ang estudyante ng large-print version ng PLE.

    • Pagsagot: Hayaang sagutin ng estudyante ang PLE nang pabigkas, o payagang idikta sa isang tagasulat o recorder ang mga sagot.

  • Iwasang gumawa ng mga pag-aangkop na magpapabago o magbabawas ng inaasahan sa pag-aaral ng estudyante.

  • Mahalin ang bawat estudyante na tulad ng pagmamahal ni Cristo, at sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu sa pagtugon mo sa mga pangangailangan ng mga estudyante.

  • Bisitahin ang lds.org/topics/disability para sa mas pangkalahatang impormasyon tungkol sa pagtulong sa mga taong may mga kapansanan.