Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 49: Ang Unang Sacrament


Kabanata 49

Ang Unang Sacrament

Larawan
Jews gather around a table for the Feast of the Passover - ch.49-1

Taun-taon ay nagdaraos ang mga Judio ng pista ng Paskua. Nagpapaalala ito sa mga Judio na iniligtas ng Diyos ang kanilang mga ninuno noong panahon ni Moises.

Larawan
The Savior sends Peter and John to get a room for the Passover feast - ch.49-2

Kailangan ni Jesus at ng Labindalawang Apostol ng lugar para makapaghapunan sa Paskua. Pinaghanap ng Tagapagligtas ng silid sina Pedro at Juan at pinatiyak na handa na ang lahat sa hapunan.

Larawan
Peter and John make arrangements for the room - ch.49-3

Nakakita sila ng silid at naghanda ng hapunan.

Larawan
Jesus and His Apostles gather in the room for the Passover feast - ch.49-4

Nagpunta roon si Jesus at lahat ng Apostol. Pinagsaluhan nila ang hapunan ng Paskua.

Larawan
Jesus blesses the bread - ch.49-5

Nagbigay ng sacrament si Jesus sa Kanyang mga Apostol sa unang pagkakataon. Dumampot Siya ng tinapay, binasbasan ito, at pinagpira-piraso. Sinabi Niya sa mga Apostol na kainin ang tinapay.

Larawan
Jesus tells His Apostles to think of His body when they eat the bread - ch.49-6

Sinabi sa kanila ni Jesus na alalahanin ang Kanyang katawan nang kainin nila ang tinapay. Hiniling Niya sa kanila na alalahanin na mamamatay Siya para sa kanila.

Larawan
Jesus pours wine into a cup - ch.49-7

Nagbuhos ng alak sa saro si Jesus. Binasbasan Niya ang alak at sinabi sa mga Apostol na inumin ito.

Larawan
Jesus tells the Apostles to think of His blood when they drink the wine - ch.49-8

Sinabi ni Jesus sa kanila na alahahanin ang Kanyang dugo nang inumin nila ang alak. Hiniling Niya sa kanila na alalahanin na magtitigis Siya ng dugo at magdurusa para sa mga kasalanan ng lahat ng tao.

Larawan
Jesus tells His Apostles that wicked men will kill Him - ch.49-9

Sinabi rin ni Jesus sa mga Apostol na malapit na Siyang patayin ng masasamang tao. Labing-isa sa mga Apostol ang labis na nalungkot. Mahal nila ang Tagapagligtas at ayaw nilang mamatay Siya. Alam ni Jesus na tutulungan ng isa sa mga Apostol ang masasamang tao. Ang pangalan niya ay Judas Iscariote.