Jesucristo
Paano Ko Ginagawang Pakinggan Siya: President Joy D. Jones


“Paano Ko Ginagawang Pakinggan Siya: President Joy D. Jones,” Pakinggan Siya! 2020

“Paano Ko Ginagawang Pakinggan Siya: President Joy D. Jones”

Paano Ko Ginagawang Pakinggan Siya

President Joy D. Jones

Nakadama ka na ba ng labis na pasasalamat matapos makatanggap ng paggabay mula sa langit? Napakagandang pakiramdam nito, hindi ba? Matagal ko nang alam na naririnig ko Siya sa pamamagitan ng mga naiisip ko. Nakaririnig ako sa nadarama ng puso ko—mga pahiwatig, emosyon—pero nakaririnig din ako ng mga pangalan. Hindi ako ang dahilan ng Kanyang magiliw at sakdal na pagmamahal, pero nagpapasalamat ako na maging maliit na bahagi ng puzzle.

Ito ay Kanyang pagmamahal at kapangyarihan, at hinahayaan Niyang madama natin ito at maging bahagi nito sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod natin. Sa paggawa nito, tayo ay napasisigla, natuturuan, nahihikayat, minamahal, at tinutulungan tayo nitong gustuhing gumawa nang higit pa.

Paano mo ginagawang Pakinggan Siya?

#PakingganSiya