Jesucristo
Paano Ko Nagagawang Pakinggan Siya: Elder Ulisses Soares


“Paano Ko Nagagawang Pakinggan Siya: Elder Ulisses Soares,” Pakinggan Siya!, 2020

“Paano Ko Nagagawang Pakinggan Siya: Elder Ulisses Soares”

Paano Ko Nagagawang Pakinggan Siya

Elder Ulisses Soares

“Bawat isa sa atin ay kailangang magkaroon ng daluyan ng komunikasyon sa Panginoon para marinig Siya. Araw-araw kong pinagsisikapan ito. Ang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan, na ginagabayan ng Panginoon, ay nakatulong sa akin na magkaroon ng sapat na espirituwalidad.

“Itinala ko ang aking karanasan sa Portuguese dahil, sa pangkalahatan, ang mga paghahayag at impresyong natatanggap ko mula sa Panginoon ay dumarating sa akin sa sarili kong wika. Sa video na ito, pinagnilayan ko ang isang pagkakataon na inutusan ako ng Panginoon bilang mission president na magbahagi ng partikular na mensahe sa mga missionary namin noon, na natanggap ko sa pamamagitan ng personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Isang di-malilimutang sandali iyon na madalas na nagpapaalala sa akin ng kahalagahan na marinig ang Kanyang tinig.”

Paano mo nagagawang pakinggan Siya?

#PakingganSiya