2012
Pananamit na Parang Deacon
Oktubre 2012


Pananamit na Parang Deacon

  1. Kaarawan ni Eli ngayon. Apat na taong gulang na siya.

    Apat na taon pa at bibinyagan ka na.

    At apat na taon pa pagkaraan niyon, magiging deacon ka na at maaari ka nang magpasa ng sakramento.

  2. Kalaunan, tinulungan ni Inay si Eli na palitan ng damit-pangsimba ang kanyang pajama.

  3. Nagsusuot po ba ng pantalon ng superhero ang mga deacon sa simbahan?

    Hindi. Magandang pantalon ang isinusuot ng mga deacon.

  4. Nagsusuot po ba ng shirt ng superhero ang mga deacon sa simbahan?

    Hindi. Puting polo at kurbata ang suot ng mga deacon.

  5. Gusto ko pong magsuot ng puting polo at magandang pantalon. Gusto ko pong manamit na parang deacon.

    Tinulungan ni Inay si Eli na isuot ang kanyang magandang pantalon, puting polo, at kurbata.

  6. Sa simbahan, humalukipkip si Eli habang pinanonood ang mga deacon na magpasa ng sakramento.

  7. Nang iabot ng isang deacon kay Eli ang sakramento, kumuha ng isang pirasong tinapay si Eli at iniabot ang trey kay Inay.

  8. Nginitian ni Inay si Eli. Masaya siyang makatulong. Pakiramdam niya ay para siyang deacon.

Mga paglalarawan ni Simini Blocker