2012
Panginoon, Halina
Oktubre 2012


Panginoon, Halina

Simple

O, Panginoon, halina;

D’on sa munting sabsaban?

O, Dakilang Manlilikha,

Sanggol sa abang dampa.

Liwanag narito na;

Mahal na Immanuel.

O, Jesus, na Panginoon;

Kami’y pakinggan!

Panginoon, ‘yong lapitan,

Mga pusong sugatan.

Pag-ibig Mo’y walang hanggan,

Sa piling Mo’y tatahan.

Mal’walhating bumaba;

Sa ‘min ay mamahala.

Luluhod, mananalangin;

Nang makapiling!

Manunubos na Dakila,

Liwanag sa Silangan.

Ama naming walang hanggan;

Pahirin aming luha!

Mal’walhating bumaba;

Sa ‘min ay mamahala.

Luluhod, mananalangin;

Nang makapiling!

Ang Savior of the World: His Birth and Resurrection ay isinulat at kinatha sa ilalim ng pamamahala ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Background: Ang Ikalawang Pagparito, ni Harry Anderson © IRI