2009
Komentaryo
Marso 2009


Komentaryo

Pumunta sa Templo

Salamat sa napakagandang tema sa Oktubre 2007 Liahona tungkol sa family history at pagdalo sa templo. Isang linggo matapos matanggap ng mga miyembro ang Liahona, nag-triple ang nagpupunta sa family history center dito. Alam kong dahil iyan sa mga artikulo sa Liahona sa buwang iyon. Kung minsan kailangan lang talagang paalalahanan ang mga miyembro na magsagawa ng mga ordenansa sa templo para sa kanilang mga ninuno. Maraming salamat, dahil natulungan ako ng Liahona at ang marami pang iba na higit na siglahan ang paglilingkod sa Panginoon.

Anderson Nascimento, Brazil

Mula sa Maliliit na Bagay

Sinusunod natin ang payo ni Bishop Keith B. McMullin sa kanyang mensahe sa kumperensya noong Abril 2007, “Mag-imbak,” sa pagtatabi ng kaunting pera, kahit kaunting barya lamang bawat linggo. Alam natin na ang pangako ng Panginoon, na sinabi sa atin ng ating mga lider, ay matutupad—na “mula sa maliliit na bagay nagmumula ang yaong dakila” (D at T 64:33).

Ricardo at Mireya Merchan, Colombia