2009
Komentaryo
Hulyo 2009


Komentaryo

Mas Malapit sa Ama sa Langit

Talagang nasisiyahan akong makatanggap ng Liahona buwan-buwan. Naghahatid ito ng mahahalagang artikulo kung paano mamuhay. Salamat sa mga isyu sa kumperensya, na naghahatid ng mga mensahe mula sa propeta at iba pang mga lider ng Simbahan, nalaman ko kung ano ang nais ipagawa sa atin ng Ama sa Langit at paano natin ito gagawin. Ang mga isyu ay may magagandang mensaheng magagamit sa ating mga family home evening. Ang unang hinahanap ko sa Liahona ay mga artikulo para sa mga kabataan, at tuwing babasahin ko ang mga ito, higit akong natitiwasay at napapalapit sa Ama sa Langit.

Karina Chavez, Nicaragua

Lakas na Makapanaig

Ginagamit kong gabay sa buhay ko ang Liahona. Naoobserbahan natin ang buhay ng mga modernong tao at nakikita ang ating sarili sa gayong mga sitwasyon. Ginagamit ko rin ang mga karanasan nila sa mga pananalita ko at sa family home evening. Ang mga halimbawa sa Liahona ay nagpaunawa rin sa isang kaibigan na tayo ay mga Kristiyano at kahit may mga problema tayong tulad ng iba, binibigyan tayo ng ebanghelyo ng lakas na makapanaig.

Ana Perlini, England