2009
Komentaryo
Disyembre 2009


Komentaryo

Ang mga Bunga ng Aking mga Pagsisikap

Natutuwa akong makita ang isang grupo ng mga kabataang lalaki at babae sa harapan ng Roman Forum sa pahina 32 ng Setyembre 2008 Liahona. Nagmisyon ako sa Italy noong 1971. Noong nasa misyon pa ako sa Rome, naturuan namin ng kompanyon ko ang dalawang kahanga-hangang bata, sina Alberto at Massimo De Feo, na kalaunan ay nabinyagan. Wariin ninyo kung gaano ako kasayang makita sa lathalaing iyan si Denise De Feo at malaman na anak siya ni Massimo, na ngayon ay pangulo na ng Rome Italy Stake. Nalaman ko rin na branch president si Alberto sa Canada. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa mga karanasan ko sa misyon at makita ang mga bunga ng Kanyang ebanghelyo.

Oscar Blanc, Argentina

Galak sa Aking Kaluluwa

Tuwing nalulungkot ako, madalas akong bumaling sa Liahona para basahin ang mga mensahe ng mga propeta at mga apostol. Ang kanilang mga salita ay nagbibigay ng aliw at galak sa puso ko. Salamat sa magasing ito! Tinutulungan ako nitong madama ang pagmamahal ng aking Ama sa Langit at ng aking Manunubos na si Jesucristo.

Maria Elsy Waltero Orjuela, Colombia