2011
Maiikling Balita sa Buong Mundo
Enero 2011


Maiikling Balita sa Buong Mundo

Inilabas ng Simbahan ang Mobile Phone Apps

Inilabas ng Simbahan ang mga mobile phone application upang matulungan ang mga miyembro na pag-aralan ang ebanghelyo kahit naglalakbay sila. Itinutulot ng Gospel Library application ang mga gumagamit na markahan at magtala habang nagbabasa sila ng mga banal na kasulatan, mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya at manwal sa Simbahan. Ibinobrodkast ng Mormon Channel application ang opisyal na istasyon ng radyo ng Simbahan at naglalaman ng mga banal na kasulatan, mensahe sa pangkalahatang kumperensya, at magasin ng Simbahan. Bumisita sa mobile.lds.org para sa impormasyon tungkol sa compatibility.

Muling Binuksan ang Visitors’ Center ng Los Angeles Temple

Ang Visitors’ Center ng Los Angeles Temple ay muling binuksan noong Agosto 7, 2010, matapos ang dalawang taong pagsasaayos nito. Itinatampok sa center ang kasaysayan ng Simbahan sa Southern California habang nakatuon sa pangunahing mga alituntunin ng ebanghelyo. Ang 12,000-talampakang-kuwadradong (1,100 metro kuwadrado) gusali ay kinabibilangan ng ilang lugar para sa mga eksibit at dalawang teatro. Ang nasa gitna nito ay isang 11-talampakan (3.4 metrong) replika ng estatwa ng Christus, na makikita mula sa labas ng visitors’ center.

Makukuha sa Internet ang 200 Milyon Pang Rekord

Ang FamilySearch.org ay naglabas ng mahigit 200 milyong bagong masasaliksik na rekord noong Agosto 2010, na nagpaabot sa kabuuang bilang na 700 milyong rekord na makukuha sa Records Search site. Upang makakuha ng libreng mga koleksyon, bumisita sa Pilot.FamilySearch.org o beta.family search.org. Naging posible ang pagdami ng makukuhang mga rekord dahil sa 350,000 boluntaryo sa FamilySearchIndexing sa iba’t ibang dako ng mundo na ginagawan ng sipi ang mga makasaysayang talaan para masaliksik ang mga ito sa internet.