2011
Ang Ating Pahina
Marso 2011


Ang Ating Pahina

“Ang Ating Pangulong Thomas S. Monson,” ni Tyla J., edad 7, Utah, USA

Sonya K., edad 5, Russia

Sina Celeste at Giuliana C., edad 7 at 6, taga-Argentina, ay gustong tulungan ang kanilang ina sa paglilinis ng kanilang silid at pagtatabi ng kanilang mga laruan at sapatos. Inaalagaan din nila ang kanilang bunsong kapatid at nakikipaglaro dito kapag abala ang kanilang ina. Mahilig bumisita ang pamilya nang magkakasama sa templo. Sinabi nina Celeste at Giuliana na mas pinagkakaisa nito ang kanilang pamilya.

Ang Pinakamahalagang Araw sa Buhay Ko

Retrato namin ito ng tatay ko noong araw ng binyag ko, dalawang taon na ang nakararaan. Lagi kong aalalahanin ang araw na iyan, dahil ito ang pinakamahalagang araw sa buhay ko. Iyan ang araw na nakipagtipan ako sa Ama sa Langit. Alam ko na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay buhay at mahal na mahal Nila ako.

Talagang gusto kong pumunta sa templo. Kahit hindi pa ako nakakapasok doon, masaya pa rin akong pumunta roon, at lagi kong ipinapaalala sa mga magulang ko na pumunta sa templo.

Milton Aarón V., edad 10, Ecuador