2011
Komentaryo
Marso 2011


Komentaryo

Gustung-gusto ang mga Poster

Ang Liahona ay laging napakagandang basahin! Dahil inaanyayahan tayo nito na mag-ambag sa napakaraming paraan, mas kaisa at kabahagi ako nito. Gustung-gusto ko ang mga poster. Ikinukuwadro ko ang mga ito at isinasabit sa aking opisina. Salamat sa lahat ng pagsisikap ninyo.

Bertha Viola Rétiz Espino, Mexico

Patuloy na Nadaragdagan ang mga Miyembro

Kami, na mga miyembro ng Abuakwa Branch sa Ghana, ay ipinagdiwang kamakailan ang aming isang taong anibersaryo bilang isang branch. Nagsimula kami sa 50 kataong dumadalo sa sacrament meeting, at ngayon ay 128 na kami. Mahal namin ang aming mga lider. Binabasa at pinag-aaralan namin ang Liahona, bumibili kami ng mga ekstrang kopya para sa mga bagong miyembro at sa mga wala nito, at patuloy na nadaragdagan ang aming mga miyembro araw-araw. Alam namin na ang Aklat ni Mormon ay totoo.

Christopher Pidoal, Ghana

Isang Angkla sa Maalong Karagatan

Lubos akong nagpapasalamat na mayroong Liahona sa aking tahanan! Ito ay pinagkukunan ng lakas. Isang araw nang guluhin ng maruruming bagay ang aking isipan, itinuon ko ang aking sarili sa Liahona, at naglaho sa isipan ko ang mga iyon. Tinulungan ako ng Liahona na malinis ang aking isipan at nagsilbi itong angkla ng kaligtasan sa maalong karagatan.

Victorino F. Dela Cruz Jr., Philippines