2013
Para sa Maliliit na Bata
Pebrero 2013


Para sa Maliliit na Bata

VROOM. VROOM. VROOM. Dumungaw si Ashley sa kanyang bintana. May nakita siyang trak na kulay asul. Nakita niya ang matataas na bunton ng lupa. Nagtatayo ng bagong bahay ang mga kapitbahay.

“Ano po ang nagbubunton ng mga lupa?” tanong ni Ashley. “Sino po ang gumagawa ng mga bahay?”

“Mga trak ang nagbubunton ng lupa,” sabi ni Inay. “Mga karpintero ang gumagawa ng mga bahay.”

“Sabi po ng titser ko si Jesus ang gumawa sa lahat ng bagay,” sabi ni Ashley.

“Oo,” sabi ni Inay. “Si Jesus ang gumawa ng lahat ng bagay na gamit nila sa pagtatayo ng mga bahay.”

Tumingin si Ashley sa bakuran. “Tulad po ng mga puno, at bato, at lupa?” tanong ni Ashley.

“Oo,” sabi ni Inay. “Si Jesus din ang gumawa ng ating katawan. Ang katawan natin ay nakagagawa ng mga bagay.”

Naging masaya si Ashley. Si Jesus ang tumulong sa kanyang mga kapitbahay para makapagtayo ng bahay. Alam niyang matutulungan din siya ni Jesus na gumawa ng mga bagay. ◼