2013
Komentaryo
Marso 2013


Naghahanda ang Simbahan ng mga Materyal sa Internet para sa mga Aktibidad ng Kabataan

Sa pagsisikap na palakasin ang mga kabataang lalaki at babaeng Banal sa mga Huling Araw sa buong mundo, naghahanda ang Simbahan ng mga materyal sa internet para sa mga aktibidad ng kabataan. Ang bagong bahagi sa LDS.org na tungkol sa mga aktibidad ng kabataan ay nililikha upang tulungan ang mga lider ng mga kabataan at ang kanilang mga adult adviser na magplano ng makabuluhang mga aktibidad para sa mga korum ng Aaronic Priesthood at mga klase ng Young Women sa mga stake at ward sa buong Simbahan.

Ang site ay nilayong suportahan ang patuloy na pagbibigay-diin ng Simbahan sa pagpapalakas sa mga kabataan, na nabigyang-diin din sa mga pagbabago kamakailan sa edad na kailangan upang makapaglingkod sa full-time mission, gayon din sa bagong materyal sa pag-aaral ng mga kabataan na Come, Follow Me, at sa mga imbitasyon sa mga kabataan na makilahok sa family history.

Para sa mga kabataang lalaki, pinupunan ng site na ito ang espirituwal na programang Tungkulin sa Diyos na may mga materyal para sa pagpapabuti ng pangangatawan, pakikisama, at pag-aaral ng mga kabataan.