2013
Ang mga Pagpapala ng Ikapu
Marso 2013


Ang mga Pagpapala ng Ikapu

Ang pagbabayad ng ikapu ay nagdudulot ng mga pagpapala, lalo na sa pagtulong sa atin na mas makita ang tulong ng Panginoon sa ating buhay.

Inutusan tayo ng Panginoon na magbayad ng ikapu. At ipinangako naman Niya na “bubuksan … ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog … ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan” (Malakias 3:10). Gayunpaman, ang Kanyang mga pagpapala ay dumarating sa Kanyang sariling pamamaraan at panahon at maaaring espirituwal o temporal.

Sa panahon ng kahirapan ng ekonomiya o pamilya, ang mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon sa matatapat na nagbabayad ng ikapu ay tila malayo. Ngunit tulad ng binanggit ng sumusunod na mga Banal sa mga Huling Araw, ang pagbabayad ng ikapu ay tumutulong sa mga miyembro ng Simbahan na mas makita ang tulong ng Panginoon sa kanilang buhay.

Kaliwa: retrato © Photospin; background ni Sarah Carabine; kanan: Pagsagupa sa Malakas na Hangin ni Liz Lemon Swindle, hindi maaaring kopyahin

Larawang kuha ni Ed Ferrin