2013
Mga Hamon sa Missouri
Hulyo 2013


Sa Daan

Mga Hamon sa Missouri

Samahan ninyo kaming maglibot sa isang mahalagang lugar sa kasaysayan ng Simbahan!

Para kay Joseph Smith matagal at mahirap ang paglalakbay mula Kirtland, Ohio, hanggang Independence, Missouri. Naglakbay siya sakay ng bagon, ng bangka, at ng karuwahe. Sa huling 250 milya (402 km), kinailangan niyang maglakad! Ngunit sinabihan na siya ng Panginoon na magpunta sa Missouri para itatag ang lungsod ng Sion, kaya sumunod si Joseph Smith.

Nagsimulang magdatingan ang iba pang mga miyembro ng Simbahan sa Missouri noong 1831. Nagbungkal sila ng lupa, nagtayo ng mga bahay, at nag-ani ng mga pananim.

Nang dumami nang dumami ang mga miyembrong lumilipat sa Independence, Missouri, naghinala at nagalit ang ilan sa mga taong naninirahan na roon. Nilusob ng mga mandurumog ang mga tahanan ng mga Banal at inutusan silang umalis.