2013
Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Hulyo 2013


ANG PATOTOO NI KUYA

Isadora A., Brazil

Ang nanay ko ay nagtatrabaho araw-araw mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-11:00 ng gabi. Kahit hindi siya nakakauwi tuwing Lunes ng gabi, ipinasiya namin ni kuya na magdaos ng family home evening—na kami lang dalawa. Walong taon nang hindi nagsisimba si kuya, pero kailan lang ay dumadalo siya sa institute at ipinasiya niyang siya ang magbigay ng mensahe isang Lunes ng gabi. Ibinahagi niya ang isang espirituwal na kaisipan mula sa Aklat ni Mormon na hindi ko naisip kailanman, kahit apat na taon akong nakapag-seminary at natapos ko na ang aking Pansariling Pag-unlad. Nadama ko ang espiritung siya kong inasam na madama kapag dumating ang pagkakataon na magkaroon ako isang karapat-dapat na mayhawak ng priesthood sa aking tahanan.

Nagpapasalamat ako na binibigyan ako ng Ama sa Langit ng pagkakataong patatagin ang aking pamilya linggu-linggo sa pamamagitan ng family home evening. Mahal ko ang ebanghelyo ni Jesucristo, at natutuwa akong maranasan ang nakapagpapakumbabang family home evening na ito na kasama si kuya.