2013
Mga Turo para sa Ating Panahon
Nobyembre 2013


Mga Turo para sa Ating Panahon

Mula Oktubre 2013 hanggang Marso 2014, ang mga aralin sa Melchizedek Priesthood at Relief Society tuwing ikaapat na Linggo ay dapat ihanda mula sa isa o mahigit pang mga mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2013. Sa Abril 2014, maaaring piliin ang mga mensahe mula sa kumperensya ng Oktubre 2013 o sa kumperensya ng Abril 2014. Mga stake at district president ang dapat pumili ng mga mensaheng gagamitin sa kanilang lugar, o maaari nilang iatas ang responsibilidad na ito sa mga bishop at branch president.

Alamin ang iba pa sa pamamagitan ng pagrerebyu ng artikulong “Mga Turo para sa Ating Panahon” sa Liahona o Ensign ng Mayo 2013.