2013
Mga Balita Tungkol sa Templo
Nobyembre 2013


Mga Balita Tungkol sa Templo

Nag-Groundbreaking sa Unang Templo sa Connecticut

Nagsimula ang pagtatayo sa unang templo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Connecticut, USA, kasunod ng seremonya sa groundbreaking na pinamunuan ni Pangulong Thomas S. Monson sa Hartford noong Sabado, Agosto 17. Ang Hartford Connecticut Temple ang magiging pangalawa sa New England (ang isa pa ay nasa Boston, Massachusetts) at isa sa 170 mga templo ng LDS na ginagamit, itinatayo, o ipinaplanong itayo sa buong mundo.

Pangalawang Templo sa Colorado

Noong Sabado, Agosto 24, pinamunuan ni Elder Ronald A. Rasband ng Panguluhan ng Pitumpu ang seremonya sa groundbreaking para sa pangalawang templo sa Colorado, USA, ang Fort Collins Colorado Temple. Ang isa pang templo ay nasa Denver, mga 59 milya (95 km) sa timog ng Fort Collins.

Larawang kuha ni Nicolas Carrasco, sa kagandahang-loob ng Church News