2015
Ang Kuwento Tungkol sa Taong Matalino at sa Taong Mangmang
Marso 2015


Oras para sa Banal na Kasulatan

Ang Kuwento Tungkol sa Taong Matalino at sa Taong Mangmang

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

Isang araw ninais ni Jesus na turuan ang mga tao kung paano manatiling malakas kahit mangyari ang mahihirap na bagay. Nagkuwento Siya sa kanila tungkol sa isang malakas na ulan, isang taong matalino, at isang taong mangmang. Nang bumagsak ang ulan, hindi bumagsak ang bahay ng taong matalino dahil nakatayo iyon sa ibabaw ng bato. Ngunit ang bahay ng taong mangmang ay bumagsak dahil nakatayo iyon sa buhanginan.

Itinuturo ni Jesus kung gaano kahalaga ang sumampalataya sa Kanya at sumunod sa Kanyang mga turo. Kapag nagkaroon tayo ng malakas na patotoo, nagiging sapat ang lakas natin para makatindig, anumang mahihirap na bagay ang mangyari.