2015
Tagumpay sa pamamagitan ni Jesucristo
Marso 2015


Mga Kabataan

Tagumpay sa pamamagitan ni Jesucristo

Larawan
Young man with his eyes closed and arms folded in prayer.

Naging problema ko ang katakawan sa pagkain. Ang paulit-ulit kong katakawan ay nauwi sa matinding pagkabalisa, pagkainis, at kabiguan. Nanghina ako nang husto nang tangkain kong labanan ang problema ko.

Matagal kong nakaligtaan ang katotohanan na hindi lamang tayo inililigtas ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas kundi tinutubos din tayo at ginagawang sakdal, at angkop din ito sa nakagawian kong katakawan sa pagkain.

Nagpasiya akong isuko ang sarili ko sa aking Tagapagligtas. Nagdasal ako. Taos-puso kong inamin ang aking kahinaan at pangangailangan sa biyaya, at hiniling ko sa Ama sa Langit na tulungan ako sa darating na araw. Noong gabing iyon nadama ko ang pagtiyak ng isang mapagmahal na Ama na mayroon Siyang di-masukat na hangaring tulungan ang Kanyang anak at di-mapagdududahang kapangyarihang isagawa ang Kanyang kalooban.

Simula nang gabing iyon, nabawasan na ang hilig ko sa pagkain. Alam ko na si Jesucristo ang dahilan kaya ako nagtagumpay. Tulad ni Pablo, natutuhan ko na “Lahat ng mga bagay ay aking magagawa [sa pamamagitan ni Cristo na] nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipos 4:13). At sinisikap kong huwag kalimutan kailanman ang isa pang aral mula kay Pablo: “Salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo” (I Mga Taga Corinto 15:57).