2016
Paningningin ang Inyong Ilaw
Enero 2016


Pangako ng Propeta

Paningningin ang Inyong Ilaw

Pangulong Thomas S. Monson, “Maging Huwaran at Liwanag,” Liahona, Nob. 2015, 88.

Larawan
Pangulong Thomas S. Monson

“Kapag tinularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas, magkakaroon tayo ng pagkakataong maging liwanag sa buhay ng iba, mga kapamilya man natin sila at kaibigan, katrabaho, kakilala, o estranghero.

“Sa inyong lahat, sinasabi ko na kayo ay anak ng ating Ama sa Langit. Kayo ay pumarito mula sa Kanyang kinaroroonan upang mabuhay sa mundong ito nang ilang panahon, maging huwaran ng pagmamahal at mga turo ng Tagapagligtas, at buong tapang na paningningin ang inyong ilaw para makita ng lahat. Kapag nagwakas na ang inyong buhay sa daigdig, kung nagawa ninyo ang inyong bahagi, mapapasainyo ang maluwalhating pagpapalang makabalik upang makapiling Siya magpakailanman.”