2016
Ano ang pananaw ng Simbahan tungkol sa pagsusugal?
Enero 2016


Ano ang pananaw ng Simbahan tungkol sa pagsusugal?

Larawan
photo of a cell phone with game apps on screen

Ang Simbahan ay tutol sa lahat ng uri ng sugal, pati na sa mga loterya (tingnan sa Handbook 2: Administering the Church [2007], 21.1.19). Simple lang ang dahilan kung bakit tayo pinapayuhang huwag sayangin ang ating oras at pera dito: “Mali ang magsugal. … Nakalululong ito at hahantong sa pagkawala ng mga oportunidad, pagkasira ng buhay, at pagkawasak ng mga pamilya. Mali ang paniniwalang makukuha ninyo ang isang bagay nang walang kapalit” (Para sa Lakas ng mga Kabataan [buklet, 2011], 41). ◼