2017
Paano Natin Makikilala ang Panginoon?
February 2017


Paano Natin Makikilala ang Panginoon?

“Ang isang dakilang layunin ng buhay sa mundo ay hindi lamang ang matutuhan ang tungkol sa Bugtong na Anak ng Ama kundi pagsikapang makilala Siya. Ang apat na mahahalagang hakbang na makatutulong sa atin para makilala ang Panginoon ay pagsampalataya sa Kanya, pagsunod sa Kanya, paglilingkod sa Kanya, at paniniwala sa Kanya. …

“Sa hinaharap, ‘ang bawat tuhod ay magsisiluhod, at ang bawat dila ay magtatapat sa kanyang harapan’ [Mosias 27:31] na si Jesus ang Cristo. Sa pinagpalang araw na iyon, malalaman natin na kilala Niya ang pangalan ng bawat isa sa atin. At nagpapatotoo at nangangako ako na hindi lang natin malalaman ang tungkol sa Panginoon kundi makikilala rin natin Siya.”