2017
Mga Ideya para sa Family Home Evening
June 2017


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

“Pag-asa sa Sarili at Pag-aaral ng Ebanghelyo,” pahina 42: Para ilarawan ang kahalagahan ng pagtatamo ng sarili ninyong espirituwal na liwanag, isaalang-alang ang aktibidad na ito. Patayin ang mga ilaw at sabihin sa mga miyembro ng pamilya na magdrowing ng isang larawan. Sabihan ang isang may hawak ng flashlight o kandila na gamitin lamang ito para sa sarili nilang larawan. Pagkaraan ng ilang minuto, sindihang muli ang mga ilaw. Pag-usapan ang kaibhan ng pagtapos sa gawain at talakayin ang mga alituntuning matatagpuan sa artikulo.

Larawan
kids playing dress-up

“Pagiging Katulad ni Siblon,”“Pagiging Katulad ni Siblon,” pahina 73: Sino ang paborito mong mga tao sa mga banal na kasulatan? Isiping maglaro ng “scripture charades” o “scripture pictures.” Isadula ang isang kuwento sa banal na kasulatan o idrowing ito sa isang papel nang hindi gumagamit ng mga salita. Ipahula sa mga kapamilya ang kuwento sa banal na kasulatan o mga taong naroon. Pagkatapos ay puwede mo nang basahin ang tungkol sa mga taong ito sa mga banal na kasulatan at talakayin kung bakit mo sila hinahangaan. Anong mga katangian nila ang gusto mong taglayin?