2017
Paano Ko Malalaman Kung ang Sagot sa Akin ay Nagmula sa Espiritu o sa Akin Lang?
August 2017


Mga Sagot para sa Iyo

Paano Ko Malalaman Kung ang Sagot sa Akin ay Nagmula sa Espiritu o sa Akin Lang?

Larawan
Elder Ronald A. Rasband

“Alalahanin ang mga salita ni Nephi. ‘Ako ay pinatnubayan ng Espiritu, nang sa simula ay hindi pa nalalaman ang mga bagay na nararapat kong gawin. Gayunman,’ sinabi niya, ‘ako ay yumaon’ [1 Nephi 4:6–7].

“At ganoon din dapat tayo. Dapat tayong magtiwala sa unang pahiwatig sa atin. Minsan ay nangangatwiran tayo, iniisip kung nakadarama ba tayo ng isang espirituwal na impresyon o kung sariling kaisipan lang natin iyon. Kapag nagsimula na tayong magdalawang-isip, maging magtatlong-isip ukol sa ating nadarama—at lahat tayo ay ginawa iyan—binabale-wala natin ang Espiritu; pinag-aalinlanganan natin ang banal na payo. Sinabi ni Propetang Joseph Smith na kung makikinig kayo sa unang pahiwatig, magiging tama kayo sa siyam na beses mula sa sampung pagkakataon.”