2017
Paano ko maipadarama sa lahat na tanggap sila sa Primary?
August 2017


Mga Sagot mula sa Isang Apostol

Paano ko maipadarama sa lahat na tanggap sila sa Primary?

Mula sa “Sinomang Tumanggap sa Kanila, ay Ako ang Tinanggap,” Liahona, May 2016, 49–52.

Larawan
how do I help everyone feel welcome in Primary

Mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak. Lahat tayo ay Kanyang anak. Kailangan nating maging maalalahanin at mabait. Ang ilan sa ating mga kaibigan ay nagsisimbang mag-isa. Ang ilan ay maaari lamang mabinyagan kapag malaki na sila.

Maaari mong tulungan ang isang taong nakadarama na nag-iisa siya o napag-iiwanan.

Malaki ang magagawa ng pag-alam sa pangalan ng isang tao.

Anyayahan ang isang tao na tumabi sa iyo.

Tulungan ang mga taong natatakot o nahihiya. Isaalang-alang sila. Tanggapin sila.

Maging mas mahabagin tayo at tumulong tayo sa ibang mga tao.