2019
Apat na Paraan para Makapaghanda sa Abril 2020
Nobyembre 2019


Apat na Paraan para Makapaghanda sa Abril 2020

Ang taong 2020 ang ika-200 anibersaryo ng Unang Pangitain, na naganap noong tagsibol ng 1820. Dahil dito, ipinahayag ni Pangulong Russell M. Nelson na ang susunod na kumperensya sa Abril “ay gugunitain ang mismong mga pundasyon ng ipinanumbalik na ebanghelyo” (tingnan sa pahina 122).

Hinikayat niya ang lahat ng miyembro at pamilya na maghanda para sa “kakaibang kumperensyang” ito at nagmungkahi ng mga posibleng paraan para magawa ito:

  1. Muling basahin ang salaysay ni Joseph Smith tungkol sa Unang Pangitain.

  2. Sa pag-aaral ninyo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa 2020, pag-isipan ang mga tanong tungkol sa kaalamang natamo at ang mga pagpapalang natanggap dahil sa Aklat ni Mormon.

  3. Isiping gamitin ang mga bagong video tungkol sa Aklat ni Mormon sa personal na pag-aaral at pag-aaral na kasama ang pamilya.

  4. Pumili ng sarili ninyong mga tanong at gumawa ng sariling plano na “lubos na ituon ang inyong sarili sa maluwalhating liwanag ng Panunumbalik.”

“Kapag ginawa ninyo ito,” sabi ni Pangulong Nelson, “ang pangkalahatang kumperensya sa susunod na Abril ay hindi lamang napakaganda; ito rin ay hindi malilimutan.”