2019
Mga FSY Conference na Susuporta sa Programa ng mga Bata at Kabataan
Nobyembre 2019


Mga FSY Conference na Susuporta sa Programa ng mga Bata at Kabataan

Bilang bahagi ng pagsisikap ng Simbahan na pagkaisahin ang mga programa nito para sa mga bata at kabataan sa buong mundo, simula sa 2020, susuportahan ng mga stake sa Estados Unidos at Canada ang For the Strength of Youth (FSY) conference na idinaraos kada dalawang taon.

Mahigit isang dekada nang idinaraos ang mga FSY conference sa labas ng Estados Unidos at Canada at magpapatuloy gaya ng dati.

Ibibigay ang karagdagang impormasyon sa Face to Face event sa Nobyembre 17, 2019.