2020
Ano ang Iniisip Mo?
Enero 2020


Ano ang Iniisip Mo?

Gustung-gusto ko ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa simbahan. Pero paano ako mag-aaral sa bahay kung hindi nagbabasa ng mga banal na kasulatan ang aking pamilya?—Naghahanap sa Salzburg

Larawan
Whats on Your Mind

Mahal na Naghahanap,

Kahit hindi nag-aaral ng mga banal na kasulatan ang iyong pamilya, tandaan na magagawa mo ito! Gawin ang lahat ng iyong makakaya para makapagbasa bagama’t nag-iisa ka, kahit paunti-unti bawat araw. Maaari kang magsimula gamit ang tsart sa pagbabasa sa mga pahina K12–K14. Basahin ang ilan pang ideya sa pahina K11!

May kasama ka man sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan o wala, mapapasaiyo ang Espiritu Santo.

Hindi ka nag-iisa!

Ang Kaibigan

P.S. Narito ang isang scripture bookmark para sa iyo! Gupitin ito at pagdikitin.