2020
Mga Kabataan
Enero 2020


Mga Kabataan

Larawan
Eldon

Larawang kuha ni Randy Collier

Talagang nagustuhan ko ang pakikibahagi sa Mga Bata at Kabataan dahil ako ang nagtatakda ng mga sarili kong mithiin na nais kong isakatuparan.

Para sa isa sa mga mithiin ko, pinili kong hanapin ang mga pangalan ng aking mga yumaong kapamilya at mabinyagan para sa kanila. Maraming dapat matutuhan para magawa ang family history, pero napakasaya ko tuwing makakahanap ako ng bagong pangalan na dadalhin sa templo.

Nang matutuhan ko kung paano ito gawin, hindi ko na ito tinigilan dahil napakasaya nito. Kalaunan, masyado nang marami ang naipon kong pangalan kaya kinailangan kong magpatulong para magawa ang mga ordenansa para sa kanila. Kaya nagpunta kami ng mga pinsan ko sa templo dala ang mga pangalang nahanap ko, at magkakasama naming ginawa ang binyag at kumpirmasyon para sa 172 tao.

Tinatapos naman ng mga magulang ko ang iba pang mga ordenansa sa templo para sa mga taong iyon, na nakakatuwa dahil pakiramdam ko ay tila nasa iisang pangkat ang aking buong pamilya! Ang aming mithiin ay tulungan ang mas marami pa sa aming mga ninuno sa abot ng aming makakaya.

Ang paggawa ng family history ay nakatulong sa akin na mas mapalapit sa aking mga kapamilyang nabubuhay pa at mga ninunong namayapa na. Masaya ako na natupad ko ang aking mithiin, at hangarin ko ngayon na makapagtakda ng isang mas mahirap na mithiin para mas marami akong maisakatuparan.

Eldon M., edad 13, Ohio, USA