2020
Ano ang Iniisip Mo?
Pebrero 2020


Ano ang Iniisip Mo?

Kung minsan natatakot akong sumubok ng mga bagong bagay. Paano kung hindi ko magawa? —Takot sa Accra

Mahal Kong Takot,

Lahat ng tao na mahusay sa isang bagay ay nagsimula nang walang alam! Hindi ka kaagad magiging mahusay sa unang subok pa lang, at ayos lang iyon. Ang pagkakamali ay bahagi ng proseso! Kapag nagkamali ka, sumubok lang muli. Ang layunin ng buhay ay matuto at umunlad.

Kaya mo iyan!

Ang Kaibigan

Sundan ng panulat ang mga linya para malaman kung paano patuloy na nagsikap ang mga taong ito.

  • Pangulong Dallin H. Oaks, Apostol at dating Hukom sa Korte Suprema ng Utah

  • Bessie Coleman, kilalang piloto

  • Ludwig van Beethoven, kompositor na kilala sa buong mundo

  • Jean B. Bingham, Pangkalahatang Pangulo ng Relief Society

  • Nahirapan sa paaralan, lalo na sa matematika.

  • Hindi tinanggap ng bawat paaralan sa pagpipiloto na inaplyan niya sa Estados Unidos.

  • Sinabihan ng unang gurong nagturo sa kanya kung paano tumugtog ng biyolin na hindi siya kailanman magtatagumpay.

  • Hindi kailanman nanguna sa klase, naging sikat sa paaralan, o naging pangulo ng anumang samahan noong bata pa siya.