2021
Pagtuturo tungkol sa Pagdaig sa Pamamagitan ni Jesucristo
Abril 2021


Para sa mga Magulang

Pagtuturo tungkol sa Pagdaig sa pamamagitan ni Jesucristo

Larawan
a family standing together holding hands and forming a circle

Retrato mula sa Getty Images

Mahal na mga Magulang,

Kabilang sa isyu sa buwang ito ang mahahalagang paksang tulad ng Si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala, pagdaig sa mga alalahanin ng mundo, at paglilingkod kapag ikaw o ang isang kaibigan ay may kapansanan. Gamitin ang mga artikulong nakalista sa ibaba at ang mga larawan para simulang kausapin ang inyong pamilya at tulungan silang maunawaan ang mga ito at ang iba pang mga aspeto ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.

Talakayan tungkol sa Ebanghelyo

Magtuon kay Cristo

Sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay, mas makakatuon tayo sa Tagapagligtas at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo para sa atin. Gamitin ang “Mga Pangunahing Alituntunin ng Ebanghelyo” sa pahina 6 at ang artikulo ni Elder Jeffrey R. Holland sa pahina 8 para turuan ang inyong mga anak tungkol sa nagawa ni Jesucristo para sa inyo at sa kanila. Magkasama, maaari kayong gumawa ng listahan ng mga paraan na pinagpapala kayo at ang iyong pamilya ng halimbawa, mga turo, buhay, kamatayan, Pagbabayad-sala, at Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo. Pagandahin ang inyong talakayan sa artikulo sa pahina 22 tungkol sa malalaking pagkakaiba ng Tagapagligtas at ni Satanas.

Mag-isip ng mga paraan na makakagawa ang inyong pamilya ng isang bagay na katulad ni Cristo sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay.

Daigin ang mga Alalahanin ng Sanlibutan

Ang kalooban ng Panginoon ay dapat maging mas mahalaga sa atin kaysa sa mga alalahanin ng sanlibutan. Basahin ang artikulo sa pahina 18 mula kay Elder Hans T. Boom at talakayin bilang isang pamilya ang mga tanong na ito: Anong mga alalahanin ng sanlibutan ang sagabal sa ating daan? Paano kayo mas makapagtutuon ng pansin sa kalooban ng Panginoon? Nagkaroon na ba kayo ng karanasang katulad ng kay Elder Boom? Ano ang natutuhan ninyo?

Mga Kapansanan at Paglilingkod

Basahin ang mga artikulo sa mga pahina 30 at 32. Ilabas ang mahahalagang konsepto na tila pinakaangkop sa inyong mga anak. Kung may isang tao sa inyong pamilya na may kapansanan, magtuon sa kabutihang magagawa niya. Kung maglilingkod kayo sa isang taong may kapansanan, talakayin kung paano maaaring baguhin ng mga alituntuning ito ang paraan ng pagtulong ninyo sa taong iyon.

Suporta sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Tingnan ang pahina 25 para sa maikling salaysay mula sa buhay ni Jane Manning James, isang matapat na babae noong mga unang araw ng Pagpapanumbalik.

Tingnan ang pahina 26 para sa materyal na susuporta sa lingguhang pag-aaral ng inyong pamilya ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

Masayang Pag-aaral ng Pamilya

Nagkakaisa

Doktrina at mga Tipan 38:24–31

Sa Doktrina at mga Tipan 38:27, sinasabi ng Tagapagligtas, “Sinasabi ko sa inyo, maging isa; at kung hindi kayo isa kayo ay hindi sa akin.” Hinihikayat tayong maging isa upang ating “matakasan ang kapangyarihan ng kaaway” (Doktrina at mga Tipan 38:31).

  1. Sama-samang tumayo sa gitna ng kuwarto.

  2. Pumili ng isang taong lalakad sa gitna ng grupo.

  3. Ulitin ito pero sa pagkakataong ito ay magdikit-dikit ang grupo habang nakatayo, na magkakapit ang mga bisig at kamay kung maaari.

Talakayan: Paano tayo mas protektado laban sa mga impluwensya sa labas kapag sama-sama tayong mas naninindigan at magkakalapit? Paano tayo mapoprotektahan ng higit na pagkakaisa? 

Personal na Paghahayag

Doktrina at mga Tipan 42:61

Bibigyan tayo ng Panginoon ng paghahayag para sa ating buhay. “Kung kayo ay hihingi, kayo ay makatatanggap ng paghahayag sa paghahayag, ng kaalaman sa kaalaman” (Doktrina at mga Tipan 42:61).

  1. Magsiupo nang pabilog bilang isang pamilya. Maghalinhinan sa pagsagot sa tanong na, “Sa anong mga paraan ako maaaring maghangad ng personal na paghahayag?”

  2. Magbigay ng mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan.

  3. Paano natin magagawang “pakinggan Siya”?

Talakayan: Anong mga hakbang ang magagawa natin bilang isang pamilya para tulungan ang isa’t isa na tumanggap at kumilala ng personal na paghahayag?

Opsiyonal na aktibidad: Magkakasamang basahin ang mensahe ni Pangulong Russell M. Nelson na “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Liahona, Mayo 2018, 93–96.